Monday, June 27, 2011

labs

sumagi ka nanaman sa isip ko kanina. Napapadalas na to, bakit ba ayaw mo pa ko tantanan? o mas tama bang sabihin na bakit ayaw kita tantanan? Whatever! basta naisip naalala ko nanama nun panahong masaya pa tayo. Kelan ba ko makaka getover sayo? Gusto ko na nang mag move on, dyosko day! 3 taon na ang nakalipas! Masaya ka na..ako? ewan! pinipilit naman kitang makalimutan pro sadyang pilyo ang tadhana, isipin mo ba namang nakita kong nagbli-blink ang singtel phone ko pag uwi ko..akala ko may tawag o txt na ko sa isa sa mga inaplayan ko sa SG. Anak ng teteng! pagtingin ko alarm pala ng bday mo! haaayy...bday mo ...memories..sabay flashback nanaman ang nakaraan sa isip ko. At di pa dyan nagtatapos ang lahat, dahil sa talagang masokista na ata ako, sinilip ko profile ng anak mo sa FB at kaboom! picture mo ang nakita ko! at may suot ka nang wedding ring.... isa pang haaaayyy ulit. I miss you..ako kaya namimiss mo? naiisip mo din kaya ako minsan? haaaayyy... haaaypi bday na lang ulit. .... i know masaya ka na..im happy for you too... sad but true...isang huling haaayy ulit..i just need to get this out of my chest.

Wednesday, June 22, 2011

going coo coo in the coo coo nest

So after days of being cooped up, i decided to get of the house for some sunshine and fresh air. Yeah right! Sunshine and fresh air my ass! I'm right smack in the heart of manila and to top its been  raining like crazy for almost 1 week straight! If it werent for this weather i should have been in Sagada or Baguio or Tagaytay! another yeah right! Going back, so out i went..were to? ayun sa Mall! tingin-tingin dito, ikot-ikot ng onti, lakad-lakad habang nag-iimagine na kunwari nasa Sagada nga ako. Sinong niloloko ko? E bakit nga ba ko nag VL ng halos isang linggo? Hindi naman ako umuwi ng Cagayan, di rin natuloy ang planong pag-akyat ng Baguio anak ng putakte ni hindi nga man lang ako lumayo ng mandaluyong.

Sunday, June 19, 2011

butterfly visit on father's day

Hindi nanaman magkamayaw ang mga pagbati sa FB, Father's day kasi. Maglalagay din sana ako, pero naisip ko, deads na erpat ko..e pano kun wala syang Facebook account kun nasan man sya. Pano nya mababasa yun? hehehe..ang totoo di naman talaga kami nasanay sa mga ganung mga okasyon kahit noong buhay pa ang tatay. Pero sa di ko maipaliwanag na kadahilanan prang may nagbubulong sakin na "sige na maglagay ka" pro di ko inintindi at natulog na lang ako.

6pm. nagising, kumain, nanuod ng TV, nag-internet nang biglang sa di malaman kun saan galing e biglang may paru-parong lumilipad lipad sa harapan ko. Hindi ko mapigilang kilabutan at maluha, si Tatay agad ang naisip ko. Makailang ulit din na nagpaikot ikot sa uluhan ko ang paru-paro hanggang sa makahanap ng madadapuan at samahan ako magdamag.




Happy Father's day Tatay ....



Friday, June 17, 2011

e ano naman kun may blogsite ka na?

Gusto kong mag-blog.


Ano?


Blog! yung parang journal.


Sus! e ginagawa mo na yun di ba?


Iba to kasi online.


Magtigil ka nga! online online ka dyan! ibro-broadcast mo pa nangyayari sa buhay mo?


Hindi naman ... gusto ko lang magsulat.


At tungkol saan naman ang isusulat mo? Napakaboring naman ng buhay mo, tsaka marunong ka ba nun?


Aray ko naman!


Makuntento ka na nga lang sa ballpen at papel na pajournal-journal mo! At wag mo na idamay pa ang mundo ng internet sa mga kabaliwan mo.


Salamat sa suporta ha! feel na feel ko.


hehehe..to naman syadong madamdamin!  e bakit ba na-isipan mo bigla mag blog? 


matagal ko na talaga gusto mag-blog ..... kasi ...


kasi ano? gusto mo ng outlet? sort of stress reliever? larger venue para mag-vent out?


hindi


gusto mo i-share mga adventures mo?


hindi


nalulunkot ka?


hindi


wala kang social life?


hindi


wala kang lovelife?


hindi


bored ka? wala ka lang magawa?


hindi rin..


e takte! bakit nga?


kasi....


kasi ano?


kasi....


ang kulet ha!


kasi........ sumasakit na kamay ko pag nagsusulat gamit ballpen at papel, di na sanay :)