Wednesday, November 30, 2011
dating gawi
November 20,2011 - pumara ng taxi sa lugar na di pamilyar sakin at nag-pahatid sa lugar na wala akong ideya kun saan. Ang tanging basehan ko lang ay ang address galing sa isang text message. Pumara sa harap ng police station, nag-antay ng halos mga 10mins (wala ka pa ring kupas! late ka pa rin!) nang may na-aninag na imahe ng isang pamilyar na mukha. Ngumiti ka at sabay sabing "para ka lang adik tso!" at sinalubong mo ako ng isang mahigpit na yakap. Naglakad tayo patungo sa bahay nyo, at tulad ng dati, nauwi sa inuman. Nagkwentuhan, nagkulitan, nagdramahan. Halos di mo ko tinigilan sa tanong at waring panunumbat na rin kun bakit di ako pumunta sa kasal mo. Syempre nagdahilan pa rin ako, di ko masabi ang totoong dahilan. Pero dahil na rin sa alak, nagkalakas na rin ng loob para aminin. Natahimik ka at nasabing "sorry tso pro walang nagbago".
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment