Hindi nanaman magkamayaw ang mga pagbati sa FB, Father's day kasi. Maglalagay din sana ako, pero naisip ko, deads na erpat ko..e pano kun wala syang Facebook account kun nasan man sya. Pano nya mababasa yun? hehehe..ang totoo di naman talaga kami nasanay sa mga ganung mga okasyon kahit noong buhay pa ang tatay. Pero sa di ko maipaliwanag na kadahilanan prang may nagbubulong sakin na "sige na maglagay ka" pro di ko inintindi at natulog na lang ako.
6pm. nagising, kumain, nanuod ng TV, nag-internet nang biglang sa di malaman kun saan galing e biglang may paru-parong lumilipad lipad sa harapan ko. Hindi ko mapigilang kilabutan at maluha, si Tatay agad ang naisip ko. Makailang ulit din na nagpaikot ikot sa uluhan ko ang paru-paro hanggang sa makahanap ng madadapuan at samahan ako magdamag.
Happy Father's day Tatay ....
No comments:
Post a Comment